Mga Imaheng Relihiyoso sa Buhay Pagsamba ng mga Katoliko by Rev. Fr. Tim Ofrasio, SJ
The icon of Our Mother of Perpetual Help that was set to return to her altar in 2019 |
A talk from Rev. Fr. Tim Ofrasio, SJ for "Visitacion III: Halina sa Marikina" of Esculturas Religiosas en las Filipinas
Transcribed by Mr. Sherwyn Aban
Blogger's photo of +Rev. Fr. Tim Ofrasio, SJ during the said event |
The Filipino Catholic faithful from different sectors mourned on his passing. I then remembered the talk that he gave to one of the events I attended years ago which it's message is still important and relevant today, especially in the social media age where some non-Catholic extremists are ridiculing the Catholic faith relentlessly in social media.
As a fitting tribute to one of the pillars of the Philippine Catholic Church, I am sharing the complete talk Fr. Tim gave for "Visitacion III: Halina sa Marikina" of Esculturas Religiosas en las Filipinas in verbatim to keep his memory and legacy alive for future generations.
Madalas pintasan ng mga Protestante at iba pang mga tao ang ginagawang pamimintuho ng mga Katoliko sa imahen ng mga santo. Inaakusahan nila ang mga Katoliko ng idolatriya o pagsamba sa mga diyus-diyosan na abominasyon daw sa mata ng Diyos sapagka’t ito ay labag sa unang utos ng Diyos: “You shall not make for yourself a graven image, or any likeness of anything that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth” (Ex. 20, 3). (Huwag kang gagawa ng anumang imahen o kamukha ng anuman nasa langit sa itaas, o nasa lupa sa ibaba, o nasa tubig sa ilalim ng lupa.)
Ano ba ang idolatriya? Ayon sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, "Idolatry not only refers to false pagan worship...Man commits idolatry whenever he honours and reveres a creature in place of God, whether this be gods or demons (for example satanism), power, pleasure, race, ancestors, the state, money etc." Ibig sabihin, ang idolatriya ay pagsamba, hindi lamang sa mga idolong pagano, kundi anumang nilikhang bagay na ipinapalit ng tao sa Diyos upang sambahin, tulad ng mga idolo, ang demonyo, kapangyarihan, masarap na buhay, bansa, salapi, atbpa.
Ang paglilok ng mga imahen ng Panginoong Jesucristo, ng Mahal na Birheng María, at ng mga santo ay hindi idolatriya sapagka’t nakabatay ito sa Incarnation o Pagkakatawang-Tao ng Ikalawang Persona ng Santisima Trinidad. Kung naging Tao ang Diyos, samakatuwid, maaari Siyang ilarawan sa pamamagitan ng imahen. Ang pagbabawal o pagsawata sa paglilok ng imahen ay maituturing na pagtanggi na rin sa katotohanang ang Diyos ay naging Tao.
Ayon sa turo ng Katesismo, hindi itinuturing ng Simbahan na idolatriya ang paglilok ng mga imahen ng mga santo sapagka’t hindi naman sinasamba ang mga imaheng ito, kundi pinararangalan ang mga santo sa pamamagitan ng pamimintuho sa imahen ng mga santo. Alam ng namimintuho na ang imahen ay gawa sa kahoy o resin o plaster of paris, at wala itong iwing kapangyarihan. The Catholic knows "that in images there is no divinity or virtue on account of which they are to be worshipped, that no petitions can be addressed to them, and that no trust is to be placed in them. . . that the honour which is given to them is referred to the objects (prototypa) which they represent, so that through the images which we kiss, and before which we uncover our heads and kneel, we adore Christ and venerate the Saints whose likenesses they are" (Council of Trent, Sess. XXV, de invocatione Sanctorum).
Natutulad ang mga imahen sa larawan o retrato ng mahal natin sa buhay, lalo na ng mga yumao na, na nais nating manatili sa alaala na parang kasama pa rin natin. Halimbawa, ang larawan ng ating ina ay itinuturo natin bilang “Nanay ko” pero alam natin iyon ay kopya lamang ng tunay na taong ating ina.
Maaaring gamitin ng Diyos bilang instrumento ang mga imahen para magpahiwatig ng nais Niyang ipabatid sa mga tao, pero ang mismong imahen ay walang sariling kapangyarihang gumawa ng milagro. Dahil maaaring gamitin ng Diyos ang mga imahen bilang instrumento para magpahiwatig sa tao, kaya ang imahen ay iginagalang at pinagpipitaganan ng namimintuho, lalo na kung ito’y napakatanda na at umaabot na ng dantaon sa kantandaan, pero hindi niya ito sinasamba tulad ng pagsamba niya sa Diyos. Nagkakaroon ng problema kapag ini-attribute ng namimintuho sa imahen ang kapangyarihan sa Diyos lamang nanggagaling. Kapag sinabing “milagroso” ang imahen, ibig sabihin, ginagamit ito ng Diyos upang magparamdam sa namimintuho, at antigin ang kanyang puso o kalooban, pero ang imahen, gaano man ito katanda at ka-‘milagroso’, ay walang sarili o iwing kapangyarihan.
Dahil likas na kailangan ng tao ang kongkretong bagay na nakikita at nahihipo, importante ang papel na ginagampanan ng imahen sa kanyang buhay-espirituwal. Sa pamamagitan ng paghipo at pagpapahid ng panyo o anumang bagay sa imahen o larawan, nararamdaman ng tao na may bisa ang pakikipagtastasan niya sa Diyos. Samakatuwid, nagiging instrumento ng tao ang imahen upang makarating siya sa Diyos. Mas may ’dating’ sa tao ang pagtawag niya sa Diyos kung may imahen siyang nahihipo, nahahalikan at nakakausap, kahit na ang imahen mismo ay walang buhay at gawa lamang ng kamay ng tao.
Gayunpaman, binibigyan natin ng dahilan para mapintasan ang pamimintuho natin sa mga imahen kapag sumusobra o lumalabis ang ginagawa nating pagdedekorasyon at pagbibihis sa mga imahen, na nakakaiskandalo sa mga tao, lalo na sa mahihirap. Kumbaga sa pagkain, kapag sobra ang recado, nakakaumay, sa halip na nakakatakam! Ang paggagayak ng mamahaling alahas—mga hikaw, singsing, brooch, korona, aureola na yari sa mamahaling bato, mga brilyante, ginto, pilak, at pagsusuot sa mga imahen, lalo na kung ito’y ipuprusisyon, ng kasuotang sobra-sobra ang burda na halos nagmumukhang fashion show ng mga imahen ang prusisyon, ay hindi maganda sapagka’t sa halip na ma-edify ang mga tao sa imaheng ipinuprusisyon, ang nakikita nila ay karangyaan na malayo sa kanilang karanasan at malayo rin sa buhay ng santong kinakatawan ng imahen. Bukod pa rito, parang ginagawang relihiyosong Barbie and Ken Dolls ang mga imahen na napalitan ng iba’t ibang kasuotan. Isang halimbawa nito ay ang iba’t ibang imahen ng Santo Niño na nauuso ngayon, depende sa taste at kakayahang gumastos ng may-ari. Higit sa lahat, maaaring subconsciously, ang kamarero o kamarera ang pinararangalan sa pagdi-display niya ng sobra-sobrang karangyaan, sa halip na ang santo na kanyang pinipintuho.
Being deeply devoted to the saints through their images is a laudable thing. Through it we carry on and continue not only a cultural heritage, but above all, a religious heritage that we received through our evangelization almost 500 years ago. Above all, it is our way of expressing in the concrete our belief in the ‘Communion of Saints’ which is an article of faith that we affirm when we pray the Creed. However, we need to exercise prudence—pag-iingat at mabuting pagpapasya—in expressing our devotion to the saints when we put them on public display. Our aim is not to impress other people and compete with each other in the expense and décor we are able provide our images, but rather to inspire devotion to the saints that they represent, so that they may help us in our daily struggle, and may be our model in following and serving the Lord.
Let us remember the secular dictum, which also applies to the use of signs and symbols in religious imagery: ‘The Simpler, the Better’—LESS IS MORE.
Reference:
Ofrasio, Timoteo, SJ, personal communication, July 25, 2015.
Transcription:
Aban, Sherwyn
Photos:
Lim, Elmarc
Malabanan, James Benedict
Special thanks to Mr. Rodel Enriquez of Esculturas Religioasas en las Filipinas and to Mr. Sherwyn Aban for granting the permission to share this insightful talk from the late Rev. Fr. Tim Ofrasio, SJ in his loving memory.
+AM+DG+
+AMPSPC+
This article is very good and has to be reflected on.
ReplyDelete